<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30


   

friends
hazel
ate kaye
jam
blue
xtian
john rey
alex
lyka

Contact Me
If you want to be updated on this weblog Enter your email here:

Edited by:
BLOGDRIVE
TEMPLATES
Blogskin's groove : yellow : s*


RSS Atom
rss feed

Thursday, March 13, 2008


konti nalang... pwede bang dagdagan?


      naisip ko na sakto to e... pero hindi naman talaga. super tagal na ng huli aong nag post. hmm. hmm. wala na namang nagyayari lately sa akin. meron pala pero ayoko na din masyado isipin (palayain ang isa't isa...kung tayo tayo talaga). malapit na matapos ang semester. kapag pasado sa defense at kapag nagpa special project yung prof ko sa p.e, pwede na kong magpa inom at masaya! parang madali lang sabihin. pero hindi. damn. umasa kasi kami sa isa kong classmate para sa project namin sa p.e. craP! at pasahan nun kanina at syempre classic na nangyayari sa mga estudyante na malapit na ang finals ay di kami nakapagpasa. waaaaa. patay kami. pero bahala na. sabi ng mga classmate ko pagbibigyan kami nun. sana nga. err. kinakabahan ako. sana kayanin. ahm. yung sysdes ko naman nagkakaroon na ng linaw... kaht medyo bossy na yung dating ko sa ibang kagroup ko kailangan ko yun gawin... kasi kung hindi baka 3 lang kami na magsasalita sa panelists namin. haaay. matapos lang lahat to.. kahit pasang awa o kahit uno pwede na!!!!!

      mauudlot ng konti ang honda jazz ko. tinanggihan ko na kasi yung alok sakin aking trabaho. alam ko marami ang may kailangan ng trabaho at bakit pa ako naging mapili. masasagot ko yan. iba iba ang gusto ng mga tao. pwede nating mapilit, oo pwede talaga yun. tipong pampalipas oras lang habang wala pang nahahanap na trabaho na gusto ko talaga(di na tayo masaya). i swear. masaya kasama yung mga tao sa office. pero ang problema hindi naman talaga ako sa office maassign. magiging receptionist/lady guard ako. tama tama. nung una ok lang sakin e. gusto ko kasi kaagad magkatrabaho. binigyan na nga ako ng forms para sa requirements ko, pero naisip ko na hindi ako magiging masaya. inisip ko to ng maraming beses... itutuloy hindi... itutuloy hindi... pero sabi nga di ka pwedeng pumunta ng war na di buo ang sandata. kaya di ko na tinuloy. nahirapan ako magdesisyon kasi nahihiya ako sa mga taong nandun. pero wala e.

      naexperience nyo ba yung napapaiyak ka na habang naglalakad sa overpass kasi hindi mo alam ang desisyon na gagawin mo? nangyari na sa akin. at hindi biro. para tuloy akong asa telenovela..

      siguro tama na din na hindi ko na tinuloy yung work.  kasi baka lalo lang ako hindi maging masaya sa susunod. masakit para sa akin. nakakapanghinayang siguro sa mga tao sa office, pero anong magagawa ko? kesa naman mabigo ko sila sa huli. mas ok na ngayon pa lang alam na nila. di pa pala nila alam na i quit, eemail ko nalang. di ko kaya tumawag e...



mhigs grooved at 10:54 pm
Comment (1)
__________________________________________




Tuesday, February 19, 2008


panic!!!!!!!!!!!!!!!


      antaba ko na. err. sobra na to. anlaki ng tiyan, hita, at braso ko. nooooooooo! ang lobo lalo ng mukha ko. patay patay na.. bumalik kaya ako ng jolibi? para humapis ulit yung mukha ko... hay. no more super daming kanin from now on!!!! waaaaa. dalawang tao na sa ojt ko ang nagsabi na ang taba ko na. tapos dagdag pa si Ropha, friend ko na lumuwas ng manila at sa amin natulog nung saturday. no no no. seryoso na to. wala na masyadong rice! haha


mhigs grooved at 02:34 pm
Make a comment
__________________________________________




Friday, February 15, 2008


feb-ibig!


   ginawa ko lang yung sa kapamilya station. haha. pero hindi ko ineexpext na ganito kaganda ang february sa akin. lahat naman ng araw masaya at malungkot.. pero matindi ang february sa akin. haha. syempre una na dyan ang CLW& CLP reterat namin. amazing. sumunod ay ang mtg namin with plyg members. makukulit sobra! hay parang asa luke 18 lang ako. kukulit pero solve naman.

   andyan din ung birthday party ng anak ni ate tonet na si chinny. antagal kong di nakita si ate tonet... mahigit one year at masaya ako na nakita ko siya. kahit ako lang ung schoolmate nya na pumunta ok lang. medyo naging loner yung dating ko pero oks pa din. saya pa din naman ako sa party.

   sumunod ay ang valentine special sa CLW nung Sunday. nakakatuwang balikan ang mga chorva nung high school. haha. nakakatuwa din na marinig ang mga sharing ng iba. hehe. saya. ang cool.

   up fair. planado talaga to. sa sobrang daming ginagawa sa school, ojt at sa parish ay hindi ko na talaga masingit ang gig life ko. hmm.  ang up fair na siguro ang sumunod sa mga best na ngyri sa akin ngayon feb(sumunod sa retreat). si ate fatz ang kasabay ko at sakto sina pit at ker ay kasama na ni kit sa mrt quez stn. sabay na kaming pumunta sa up. salamat kay ate fatz at hotsi pati din sa himalaya kasi nakapasok ako dahil sa kanila. thanks thanks! andaming friends!mga taong matagal ko ng di nakikita at nakakasama. album launch din yun ng sandwich. ilang buwan bago ko sila ulit nakita. nakakatuwa talaga ung mga nangyari. nakita ko ivan (hilera). tama  kong time no see nga. kasama nya ata yung gf nya. si ate LT uber tagal ko ng di nakikita, ate dk& ate gracie. si ate gracie(soupstar) di ko nabati. si jamie andun din. parang nashock pa siya nung nagkita kami ba. ehehe. alden,tasi & kean of callalily. naalala ko first punta ko ng up fair, un din ang unang tugtog nila dun. nakakareminisce yung lugar. hindi ko napansin kung andun din si aaron. hmm.  si xavier at ate anna( haler) andun din. ages na din since last kaming nagkita kita. ahm.

   sakto lang halos yung dating namin dahil after ng radio active sago project sandwich na. ang ganda ng napwestuhan namin ni Kit. unahang unahan talaga. amazing! nakakamiss sila. nakakamiss yung every weekends kung magkita kami. haha. di pa ako nakabili ng CD nila dahil short sa budget. bibili ako sa mall tour. ayii.. after ng set nila naghintay lang ako saglit tapos nagpasama ako n Ker para puntahan si Mong. matagal na panahon na din ako makamoment. pagbigyan na ako! haha. di naman ako nabigo. inantay ko muna na matapos ung mga boys na nagpapicture sa kanya tapos saka ako lumapit. putek siKer lasing na. haha. pagkakita nya sakin mga may 2seconds ata na nagtinginan muna kami. waaaaaaaaah. habang sinusulat ko to para akong newbie na ngayon lang nagmoment ba. errrr. so un nga. nagsmile muna siya taz nagbeso kami. binigay ko din pala yung maliit na regalo ko. hindi ko na binalot kasi biglaan lang pagbili ko. haha. nakita ko yung ngiti nya. hay. priceless. 7am na ako nakauwi kasi huli ng tumugtog ang hotsi patootsi at himalaya. funny nung last part. halos mamatay na ako sa kakatawa.

   kahapon nagluch pala ako kasama ang Tunay siblings kasama si at ate Ria(tama ba hazel?).  salamat pala kuya michael at happy birthday na din! nabusog ako ng sobra! at ang takaw ni Hazel kumain. talo pa ko! haha.

   pinagpapasa na ako ni Sir Jomar ng resume sa HRD next week. nakakatuwa. siguro gusto nya talaga na magtrabaho ako dun. hehe.

   valentine's party sa parish kagabi!!! fun fun fun! hehe. maaga ako pumnta  dun para tumulong. plyg members & lukers ay may presentation. im so happy for them! nakakatuwa talaga sila.  hindi na ako sumama sa mcdo kina hazel kasi binantay ko pa sila. hehe. kaya di rin ako nakauwi kaagad. dahil party may sayawan! waaaa. una ko pang isinayaw si Fr. Jo. nakakahiya. pero ok naman. taz kami kami na. amzaing talaga ang cha cha namin ni Kohljun. haha. tapos bago ako umuwi nakita ko pa sila Blue at Myk. May pastoring pala sila.

   masayang Pebrero. kahit wala akong date na literal kahapon ay masaya pa din ako. sobra. talagang may mga ngiti sa aking mga labi. hehe.

   



mhigs grooved at 02:38 pm
Make a comment
__________________________________________




silence.


   last week nag retreat ang clw&clp sa may silang cavite. amazing. iba sa pakiramdam. ang ganda ng lugar. nakapag isip isip sa mga bagay bagay. maraming natutunan. at natuto din akong manahimik. nahirapan ako maghanap ng word of life. sobra. may point na gusto ko nalang umiyak kasi akala ko hindi ko siya marinig. pero mali pala. kailangan ko lang magkamali. at magsimula sa simula, Genesis. amazing ung feeling. may nagsabi sakin light lang yung word of life ko, pero swak un sakin as of now. masayang experience. bago at nakakabago. hindi naman ako naging banal na tao pero naging maayos na tao ako. masaya. masaya. silence.


mhigs grooved at 02:11 pm
Make a comment
__________________________________________




Tuesday, January 29, 2008


this is the real ME!


SAGITTARIUS - The Promiscuous One

n i d o k i d o s

Spontaneous. High appeal. Rare to find. Great when found. Loves being in long relationships. So much love to give. Not one to mess with. Very pretty. Very romantic. Nice to everyone They meet. Their Love is one of a kind. Silly, fun and sweet. Have own unique appeal. Most caring person you will ever meet! Amazing in the you know where..!!! Not the kind of person you wanna mess with- you might end up crying

 

 

Totoo ang mga zodiac signs. haha!



mhigs grooved at 05:37 pm
Make a comment
__________________________________________




Monday, January 28, 2008


pagod at saya!


   matindi ang nagdaang weekend sa akin. PLYG weekend experience na talaga naman nagpasaya sakin. masaya ako at may mga bagong members na naman ang youth ministry at nabubuhay namin ang PLYG. masaya kasi napa experience namin sa kanila ang isang retreat na pwede nilang dalhin sa puso nila forever. haha. kahit nung una ay ngarag dahil di alam ang gagawin ay nagawa pa rin namin core na maging maayos ang mga bagay bagay, nakakatuwa kasi may mga bago kaming kapatid. gudluck antanda ko na talaga ata kasi andami ng tumatawag sakin ng ate. kamown. hindi ko nga lang nasaksihan ang confession at meet nila with their parents kasi umattend ako ng debut ng kapitbahay ko. kailangan ko umattend dun pra payagan ako ni mama na umattend sa CLW retreat na gaganapin ngayong weekend. pero bumalik din ako sa parish after ng debut. sayang di ko nakita yung mahalagang part. siguro kung andun ako, iiyak na naman ako sa sobrang touched. haha. drama.    

   dun na din natulog ng saturday night ang ilang facilitators at kame. pinauwi na namin ang mga bata since gang saturday lang talaga ung retreat nila. sang sabado lang para mag give way sa parish convention kinabukasan.  masaya ang convention. pangalawang beses ko pa lang umattend nun pero this year masasabi ko na mas marami at masaya ang mga umattend ngayong taon. pero bago kami magpunta ng convention humabol kami sa misa ni ate xyril sa risen lord para imeet ang mga bata pati si ate donna. tapos sabay2 kaming naglakad papuntang bayan. saya! ang sarap din ng lunch namin. salamat sa mga nagluto nun. hehe.

   andaming pictures nun! omg. kailangan makakuha ako nun para sa scrapbook ko. yihee.

 

   biglang naming napag usapan ang araw ng mga puso sa mcdo nung sunday. err. nalungkot ako kasi sa alam ko wala akong date sa araw na un. haha. pero nakakatuwa yung realization ko nung araw na un. isa lang siya WANT, at hindi NEED. tama nga naman. nabubuhay naman ako ngayon kahit wala siya.



mhigs grooved at 07:19 pm
Make a comment
__________________________________________




Thursday, January 24, 2008


chocolate for President!


      si ermats MUKANG boto. si rashel mukang boto. san ka ba makakakita na dalawa sa pamilya ko ang bumanggit sa kanya sa loob lang ng isang araw? gud luck. ang funny nila. sila boto. ako din boto(hahaha). siya lang naman ang hindi eh.


mhigs grooved at 07:36 pm
Comments (4)
__________________________________________




Monday, January 21, 2008


let's post something today!


      ano balita sakin? err. matindi sipon. muntik ng hikain ng todo. nadisappoint sa isang tao. ngarag kasi midterm week na. pre defense next week. PLYG retreat ngayon friday& saturday. nagtitipid. naghahanda para sa CLW retreat. inaantay ang ISWAK2 sa youtube na hanggang ngayon eh wala pa ding mga subtitle. paulit ulit pinanuod ang cofee prince. nagpapakabait. at walang GIG life! parang hindi ako to. haha.

      yeah. ano pa bang aasahan ko sa kanya? edi wala. magkalimutan na kami! hahaha



mhigs grooved at 07:29 pm
Make a comment
__________________________________________




Sunday, January 13, 2008


busy january!


      ok. madaming laman ang calendar ko ng january. hay. malapit na ang pre defense namin. retreat for PLYG. preparation fpara sa CLW retreat. at kung ano ano pang nasa isip ko na nagpapagulo ng lahat! masaya naman ako sa mga nangyayari ngayon. nag 1st mtg kami sa risen lord chapel at super saya ng feeling. 42 ang umattend pero nararamdaman ko na madagdagan pa sila! oh yes. dis is it.

      may mga taong masaya, malungkot, naguguluhan at weird ngayon. at isa ako dun. isipin mo halo halo na yung emotion sa maliit kong puso? waaaaaaa. drama. hindi pa rin naalis ang kadramahan ko. akala ko maiiwan to sa 2007 e. di pala. ahm, basta bahala na. may mga dumating, pero hindi sapat. haha. help help help!

   kapag nakasurvive ako ngayong january magsasaya ko sa feb! *sana*



mhigs grooved at 05:11 pm
Make a comment
__________________________________________




Friday, January 11, 2008


2007 signing off...


 

2007. isa sa mga pinakamakulay na taon na dumaan sa buhay ko. mga kulay na pwede ipakita ang totoong kalagayan ng ating buhay. Kung babalikan natin ang lahat ng nangyari, may masaya, malungkot, nakakainis, nakakaasar, nakakaiyak, nakakadisappoint. Ang 2007 din ang taon na maraming tao ang nag level up. ako kasama ng iba pang colleague na napasali sa CLP. Napasali ako sa unang pagkakataon bilang  team ng isa sa mga one shot activity ng parish. Ito rin ang taon nag pagraduate ni Rashel sa elementary, taon na bumalik si tatay para magbakasyon. Kasama na rin dito an unang beses na bumoto ako sa national election. Naging service team ng isang grupo at malipat sa panahong high na high ka pa. '07 din ako nakabuo ng friendship sa mga tao. Bago at luma.lumang bago at bagong luma. Si kuya danes sobra kung makapaglevel up at nauna na dun sa langit. Ang muli kong pagbalik sa jollibee para makatapos ng isang sem. Taon kung saan naguluhan ako para sa isang tao( na laging laman nitong blog ko. haha). First moment ke mong. Pinayagan ng matulog sa retreat (except lang sa CLW retreat nung September). Nag debut ang ilang friends. Madaming "first time na nangyari sakin ngayon '07". Pero may mga bagay din na hindi nawala sakin. Nagpupunta pa din ako ng gig. Kahit nag lie low kahit paano masasabi ko na hindi ako nawala sa sirkulasyon. Andyan pa rin ang mga taong minahal ko nung nagdaang taon. Makulit at magulo pa din akong tao. Ay! Ngayong taon din ako nagsimula para mag ojt. Itong taon ay super dami ko atang party na napuntahan. Literal! Maraming gifts (xmas&bday). At mas naramdaman ko ang pagmamahal ng iba sa akin. (putek napakadrama na). at mas naging malapit ako kay GOD ngayon 2007. mas nakilala at nakausap ko siya.

Sa kabuuan ng 2007 masasabi ko na bawat araw na dumaan ay naging mahalaga sa akin. Humubog kung ano man ako ngayon 2008. maging masama o mabuti man akong tao magiging batayan nito ay ang mga nangyari sa akin ng 2007. masaya ako na kayang kaya kong balikan kung ano man ang nangyrai ng 2007, may malungkot man o nakakainis, masarap pa ding balikan.

2008 na! isa na akong 19 year old na dalaga. Last sem ko na ngayon sa school at matatapos ko na (sana) ang associate course na kinuha ko. ngayong taon ako magsisimula maghanap ng trabaho. Huling taon bilang estudyante. '08 din namin sisimulan ang PLYG. Alam ko kaya namin to! Happy new year sa lahat! Panahon ni mickey mouse ngayon. Yey!



mhigs grooved at 05:25 pm
Make a comment
__________________________________________




Next Page